PCS batch 2004

reminiscence and unite
 
HomeHome  CalendarCalendar  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 BOYCOTT KOWLOON HOUSE!

Go down 
AuthorMessage
Jay_delRosario

avatar

Posts : 9
Join date : 2008-09-08

PostSubject: BOYCOTT KOWLOON HOUSE!   Wed Sep 24, 2008 12:28 am

PAKIUSAP: Huwag kayong bumili ng mga pasalubong ng siopao, siomai at iba pang putahe mula sa Kowloon House.

BAKIT: Ang pinagkakatiwalaan ninyong mga cook, waiter, food checker at iba pang mga manggagawa ng Kowloon House ay wala saloob ng restawran.

KASALUKUYAN PO KAMING NAKAWELGA!

IBALIK SA TRABAHO ANG 73 MANGGAGAWANG ILIGAL NA TINANGGAL!

Noong Sabado, Setyembre 13hindi na pinapasok ng mga guwardiya ang 73 manggagawa dahil sa desisyong ibinaba ng National Labor Relations Commission (NLRC) na pumabor sa isinampang kaso ng Kowloon Management sa illegal strike laban sa aming unyon.

MALI at WALANG BATAYAN ang naging desisyon ng NLRC. Ang piket-protestang isinagawa namin noong Hunyo ay mapayapang sama-samang pagkilos sa panahon ng aming breaktime. Walang natigil na produksyon, malayang nakakapasok ang mga kustomer sa restawran.

Kami ay naglunsad ng sama-samang pagkilos dahil sa hindi pagpapatupad ng mangement ng mga wage order na ibinaba ng Regional Wage Board . Maliwanag na paglabag ito ng management sa aming Collective Bargaining Agreement (CBA). Nakasaad sa aming CBA, na dapat ipatupad ng management nang accross - the - board ang anumang dagdag sahod na ipag-utos ng gobyerno. Hindi naman nag-file ng exemption ang management kaya't wala silang dahilang ibinbin ang mga wage order # 13 nang mahigit isang taon at patuloy na ibinbin itong pinakahuling wage order # 14.

Dahil na rin sa aming sama-samang pagkilos, napilitang makipag-usap ang management at nakipag-ayos na binigay nila ang P50, mula sa P82 (total na utang niya sa aming mga manggagawa mula sa hindi pagpapatupad ng wage ordersw # 13 at 14). Buong tiwalang nakipagkasundo ang aming unyon sa management sa harap pa mismo ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB). Bagama't naniniwala kaming kayang ibigay ng management nang buo ang aming mga kahilingan.

TOTAL BACK WAGES NA HINIHINGI NG MGA MANGGAGAWA MULA SA MGA WAGE ORDERS : P 3, 498, 600. 00

BENTA NG KOWLOON HOUSE SA SIOPAO SA ISANG ARAW (7,000 siopaos x 47.00) : P 329, 000. 00 x 11 days = P 3, 619, 000. 00

11 araw na benta ng SIOPAO lang ang katumbas ng back wages ng mga manggagawa!!!

Ngunit sadyang TUSO ang mga may - ari ng Kowloon na sina Paul Ng at Michael Ng. Ilang linggo lang pagkaraan ng pag-uusap hingil sa wage orders, lumabas ang desisyon ng NLRC hinggil sa illegal strike at tinanggal ang 73 manggagawa at kasapi ng aming unyon. Isang beses lang pinatikim sa amin ang napagkasunduang P50. Ito na pala ang aming huling sahod at tanggal na kami sa trabaho.

Paul Ng at Michael Ng :MGA UNION BUSTER! MGA GANID SA TUBO!

May manggagawang 40 taon ng nagtatrabahoo sa Kowloon : P377 / day lamang ang sinasahod

May manggagawanfg 10 taon ng nagtratrabaho sa Kowloon: P250 / day ang sinasahod kontrakwal pa rin at hindi ginagawang regular ng management. Walang pay slip at hindi itemized ang mga salary deduction.

Malinaw ring ang layunin ng kapitalista sa pagtatanggal ng 73 manggagawa ay ang WASAKIN, DURUGIN ang aming UNYON! Sagabal sa kanyang pagkamal ng sobrang tubo ang aming palaban at militanteng unyon.

Sa ganitong kalagayan, WELGA ang tanging armas naming mga manggagawa upang ipaglaban ang aming mga karapatan. Wala na kaming aasahan pa sa gobyerno at mga institusyon nito tulad ng NLRC. Sa halip na pangalagaan ang aming trabaho at kabuhayan ng aming mga pamilya ay sila pa mismo ang nagiging kasabwat ng management sa pagtatanggal sa amin sa trabaho. Pinapatay nila ng aming mga pamilya.

Kaya't hinihingi namin ang inyong pag-unawa at pagsuporta sa aming welga. Tunay na makatarungan ang aming mga ipinaglalaban at patuloy kaming maninindigan hanggang makamit namin ang tagumpay!

73 TINANGGAL NA MANGGAGAWA SA KOWLOON HOUSE, IBALIK!

SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN, IPAGLABAN!

KONDENAHINANG SABWATANG NLRC at KOWLOON!

LABANAN ANG TANGGALAN SA TRABAHO!

TANGGALIN SI GLORIA SA MALAKANYANG!

-Kowloon House West Chapter GLOWHRAIN - KMU
Back to top Go down
View user profile
 
BOYCOTT KOWLOON HOUSE!
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The House Of Al-Arqam
» Help Me Understand....why a undiscovered room is found in a house!!!
» Stirling House
» old house & driving dream
» tornado hit my house

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PCS batch 2004 :: Miscellaneous :: Wall of Freedom-
Jump to: